2021
Pagmamahal sa Templo
Oktubre 2021


Mula sa Unang Panguluhan

Pagmamahal sa Templo

Hango mula sa “Isang Tahanan Kung Saan Nananahan ang Espiritu ng Panginoon,” Ensign o Liahona, Mayo 2019, 22–25.

children holding up drawings of temple

Tinutulungan tayo ng templo na matutuhang mahalin ang mga banal na lugar. Totoo ito lalo na kapag maliliit pa ang mga bata. Nadarama ng mga bata na sagrado ang templo.

Noong bata pa siya, nalaman ni Pangulong Ezra Taft Benson na mahalaga ang templo. Pinanood niya ang kanyang ina na maingat na pinaplantsa ang kanyang damit na pangtemplo. Minasdan niya ang kanyang pamilya nang paalis sila sa kanilang tahanan para dumalo sa templo.

Noong siya ang propeta, nagpunta siya sa templo linggu-linggo. Gumawa siya palagi ng gawain sa templo para sa isang ninuno.

Maaari din ninyong matutuhang mahalin ang templo ngayon. Ang ilan sa inyo ay may mga larawan ng mga templo sa inyong tahanan. Maaaring bisitahin ng marami sa inyo ang bakuran ng templo. Maaari pa ngang dumalo ang ilan sa mga open house kapag itinatayo ang mga templo.

Dahil sa templo, may pag-asa tayong makapiling ang ating pamilya magpakailanman.

Cutout ng Templo

temple cut-out activity

Gupitin, itupi, idikit!

  • Gupitin ang templo.

  • Itupi sa tulduk-tuldok na mga linya.

  • Lagyan ng pandikit ang bawat tab at pagdikitin ang pinaka-magkakalapit na panig.

  • Idrowing dito ang iyong sarili o ang iyong mga kapamilya.

Friend Magazine, Global 2021/10 Oct

Mga paglalarawan ni Liz Brizzi