2021
Kilalanin si Nathan mula sa Republic of the Congo
Oktubre 2021


Matulunging mga Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Kilalanin si Nathan mula sa Republic of the Congo

Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.

A photo of Nathan Ekiridzo

Lahat ng tungkol kay Nathan

picture of Nathan playing basketball

Edad: 10

Mula sa: Republic of the Congo

Wika: French

Pamilya: Inay, Itay, at tatlong nakababatang kapatid

Mga Mithiin at Pangarap: 1) Palaging makabilang sa honor roll ng paaralan. 2) Maglaro ng basketball. 3) Maging doktor.

Ang Matulunging mga Kamay ni Nathan

Nathan reading with his younger siblings

Mahilig magbasa ni Nathan. Ang paborito niyang mga aklat ay ang Aklat ni Mormon, ang Bagong Tipan, at ang mga aklat na tumutulong sa kanya na mas matuto pa ng French. Sabi ni Nathan, mahalagang basahin ang mga banal na kasulatan “upang malaman kung ano ang ginawa ni Jesus para sa atin at tularan ang Kanyang halimbawa ng kabaitan.” Gusto niyang tulungan ang kanyang nakababatang mga kapatid na sina Stephy at Aaron na matuto ring magbasa! Tinutulungan niya sila sa kanilang homework at binabasa sa kanila ang mga kuwento sa Aklat ni Mormon. Natutuwa siyang tumulong.

Tinutulungan din ni Nathan ang kanyang mga kapatid na maghanda ng kanilang higaan at maghandang pumasok sa paaralan na bitbit ang kanilang meryenda at mga backpack. Siya ay isang tagapamayapa sa paaralan at sinisikap niyang tularan ang halimbawa ni Jesus sa pagiging mabait sa iba.

Mga Paborito ni Nathan

pictures of Nathan’s favorites

Lugar: Ang tabing-dagat

Kuwento tungkol kay Jesus: Nang pagalingin ni Jesus ang lalaking bulag

Awitin sa Primary: “Ang Katapangan ni Nephi,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 64–65)

Pagkain: Manok

Kulay: Orange

Asignatura sa Paaralan: French

Friend Magazine, Global 2021/10 Oct

Mga paglalarawan ni Melissa Manwill