2021
Tinuruan ni Jesus ang Iba
Oktubre 2021


Pagtulong Tulad ni Jesus

Tinuruan ni Jesus ang Iba

Larawan
young Jesus teaching at the temple

Noong bata pa si Jesus, Siya ay “lumago … sa karunungan” (Lucas 2:52). Ang ibig sabihin nito ay natuto Siya ng maraming bagay.

Noong 12 taong gulang si Jesus, nagpunta ang Kanyang pamilya sa Jerusalem. Sa kanilang paglalakbay pabalik, natanto nina Maria at Jose na hindi nila kasama si Jesus. Bumalik sila sa Jerusalem para hanapin Siya. Natagpuan nila si Jesus na nagtuturo sa templo. Nakikinig ang mga tao sa Kanya at nagtatanong sa Kanya. Namangha sila sa nalalaman Niya. Iniukol ni Jesus ang Kanyang buhay sa pagtuturo sa iba.

Larawan

Tinutulungan ko ang nakababata kong kapatid na babae na gawin ang kanyang homework sa preschool. Tinuturuan ko siyang magdrowing at isulat ang kanyang pangalan. Kapag nag-aaral ang pamilya ko ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa gabi, tinutulungan ko ang kapatid ko sa mga banal na kasulatan. Ipinapakita ko sa kanya ang mga larawan at ipinaliliwanag ang mga iyon sa kanya.

Jazmin C., edad 9, Central Department, Paraguay

Print