Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na Bata
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Para sa Doktrina at mga Tipan 111–114: Maghalinhinan sa pag-akay sa inyong pamilya sa isang linya habang magkakahawak-kamay ang lahat. Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Aakayin ako ni Jesucristo.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 115–120: Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Kabilang ako sa Simbahan ni Jesucristo.” Kantahin o pakinggan ang awiting “Ang Simbahan ni Jesucristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 48) at basahin ang kuwento sa banal na kasulatan sa pahina 42.
Para sa Doktrina at mga Tipan 121–123: Pag-usapan kung ano ang nagpapabuti sa pakiramdam ng inyong mga musmos kapag nalulungkot sila, tulad ng pagkanta ng isang awitin sa Primary o pagdarasal. Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing “Nadarama ko ang kapayapaan.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 124: Magpakita ng larawan ng isang templo na malapit sa inyo at pag-usapan kung bakit espesyal ang templo. Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Mahal ko ang templo.”