2021
Pagkuha ng Temple Recommend
Oktubre 2021


Pagkuha ng Temple Recommend

picture of a temple recommend

Kapag kumuha ka ng temple recommend, iinterbyuhin ka ng iyong bishop o branch president. Maaari kang magtanong sa kanya ng anumang gusto mo. Maaari ka ring magsama ng isang magulang, kung gusto mo. Narito ang ilan sa mga bagay na pag-uusapan ninyo.

Mga Tanong para sa Temple Recommend

  • Nananampalataya ka ba sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Espiritu Santo?

  • May patotoo ka ba sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa Pagpapanumbalik ng Kanyang Simbahan?

  • Sinusuportahan mo ba ang iyong mga pinuno ng Simbahan (tulad ng propeta, mga apostol, at iyong bishop)?

  • Sinisikap mo bang panatilihing malinis at dalisay ang iyong isipan at katawan?

  • Sinusunod mo ba ang mga turo ng Simbahan ni Jesucristo sa pakikitungo mo sa iba?

  • Sinisikap mo bang panatilihing banal ang araw ng Sabbath?

  • Sinisikap mo bang maging matapat?

  • Nagbabayad ka ba ng buong 10 porsiyentong ikapu?

  • Nauunawaan at sinusunod mo ba ang Word of Wisdom?

  • Mayroon ka bang anumang malaking kasalanan na kailangan mong pagsisihan?

  • Naniniwala ka ba na karapat-dapat kang makapasok sa bahay ng Panginoon?

Mga paglalarawan ni Emily Davis