Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Pinangalanan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan
Sinabi ni Jesucristo kay Joseph Smith kung ano ang ipapangalan sa Simbahan. Sinabi Niya na tatawagin itong “Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.”
Ang salitang Jesucristo ang pinakamahalagang bahagi ng pangalan ng Simbahan. Dahil ito ay Simbahan ni Jesucristo, ipinangalan ito sa Kanya.
Ang ibig sabihin ng mga Banal sa mga Huling Araw ay ang mga miyembro ng Simbahan ngayon.
Itinuro na ng mga propeta at apostol na ang paggamit ng tamang pangalan ng Simbahan ay mahalaga. Ipinapaalam nito sa iba na naniniwala tayo kay Jesucristo.
Kapag tinatanong ako ng iba kung ano ang pinaniniwalaan ko, masasabi kong, “Naniniwala ako kay Jesucristo. Kabilang ako sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.”