2021
Ipakita at Ikuwento
Oktubre 2021


Ipakita at Ikuwento

Rafael Derhum Da Fonseca with his artwork on the wall behind him

Kapag iniisip ko ang templo, maganda ang pakiramdam ko. Sabik na akong mag-11 taong gulang at maglingkod sa templo ng Ama sa Langit.

Rafael D., edad 10, Paraná, Brazil

A photo of Grace Dadzie

Maganda ang family tree ko dahil may mga pangalan at larawan ng mga lolo’t lola at mga pinsan ko roon. Nakapag-index na ako ng 1,156 na mga pangalan! Naniniwala ako na ang indexing ay isang paraan para mapagsama-sama ang mga pamilya.

Grace D., edad 11, Greater Accra Region, Ghana

Photo of Connor Ence

Isang batang lalaki ang lumipat sa klase namin sa paaralan sa kalagitnaan ng taon. Nagboluntaryo ako na tulungan siyang madama na tanggap siya. Isa siya sa mga bagong kaibigan ko!

Connor E., edad 7, Mazovia, Poland

Sienna Sanberg  holding up her art

Isinilang ako sa Guatemala, at para sa Día de Muertos, o Araw ng mga Patay, gumagawa ng mga saranggola ang mga tao roon para alalahanin nila ang mga miyembro ng kanilang pamilya na pumanaw na. Gumawa ako ng isang saranggolang may mga larawan ng aking mga ninuno at isang larawan ko sa gitna para maalala ko ang kanilang pagmamahal.

Sienna S., edad 8, Utah, USA

A photo of Sebastian Blow

Tumulong akong maghatid ng kahoy o gatong sa isang pamilya para magkaroon sila ng init sa bahay nila.

Sebastian B., edad 10, Virginia, USA

A photo of Emma - Charlotte standing in front of a bus

Tumulong kami sa food pantry sa paglalagay ng mga kahon ng pagkain. Ipinaalala nito sa amin na magpasalamat para sa anumang mayroon kami. Masaya kami na nakapaglingkod kami sa aming ward.

Emma K. at Charlotte F., edad 9 at 11, New Jersey, USA

A photo of Savannah Reynolds

Nang hilingin sa amin ni Pangulong Nelson na basahin ang Aklat ni Mormon, nagpasiya akong basahin namin ito ng mga magulang ko. Nadama ko ang Espiritu Santo na sinasabi sa akin na ang Aklat ni Mormon ay totoo. Nagbabasa ako ng mga banal na kasulatan araw-araw at nagtamo ako ng mas malakas na patotoo.

Savannah R., edad 10, Texas, USA

drawing of Jesus with children

“Christ Loves Us [Mahal Tayo ni Cristo],” Andrea V., edad 8, Retalhuleu, Guatemala

drawing of Church building

Emma C., edad 7, Santiago, Chile

drawing of the earth

“Give Thanks [Magpasalamat],” Lincoln H., edad 10, Idaho, USA

block art of a boat and whale

“Jonah and the Whale [Si Jonas at ang Balyena],” Ben M., edad 10, Missouri, USA

drawing of Jesus in heaven

Bobby H., edad 8, Alberta, Canada