2021
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Oktubre 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.

Makinig at Manguna

sister leading a blindfolded brother

Para sa Doktrina at mga Tipan 111–114

  • Kantahin ang “Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3).

  • Sabi ni Jesus, “Maging mapagpakumbaba ka; at ang Panginoon mong Diyos ay aakayin ka sa kamay, at bibigyan ka ng kasagutan sa iyong mga panalangin” (Doktrina at mga Tipan 112:10). Nais ng Ama sa Langit na tulungan tayo!

  • Gumawa ng isang obstacle course na may mga bagay sa loob o labas ng inyong tahanan. Piringan ang isang tao. Utusan ang isa pang tao na hawakan ang kanyang kamay at maingat siyang akayin sa pagdaan sa obstacle course. Maghalinhinan sa pag-akay at pagsunod.

Ang Pangalan ng Simbahan

colored speech bubbles

Para sa Doktrina at mga Tipan 115–120

  • Kantahin ang “Ang Simbahan ni Jesucristo,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 48).

  • Sinabi ni Jesucristo na ang Kanyang Simbahan ay tatawaging Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 115:4). Mababasa ninyo ang iba pa tungkol sa pangalan ng Simbahan sa pahina 42.

  • Magkunwari na hindi pa narinig ng isa sa inyo ang tungkol sa Simbahan. Maghalinhinan sa pagbabahagi ng pinaniniwalaan ninyo at magpraktis sa pagsasabi ng buong pangalan ng Simbahan.

Lalong Tumatatag

two children carrying a basket of blankets together

Para sa Doktrina at mga Tipan 121–123

  • Kantahin ang “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 42–43).

  • Ang mahihirap na panahon ay hindi nagtatagal sa habampanahon. Mapagpapala at matutulungan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesus (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 121:7–8).

  • Maghalinhinan sa pagbuhat ng isang mabigat na bagay. Pag-usapan kung paano naging parang pagdaan sa isang mahirap na panahon ang pagbuhat sa pasaning iyon. Paano tayo lalong mapapatatag at matutulungang lumago ng mga pagsubok? Ngayon ay buhatin ang bagay sa tulong ng iba. Ipaalala sa lahat na tinutulungan tayo ni Jesucristo na dalhin ang ating pasanin.

Mabubuting Puso

boy writing on paper hearts

Para sa Doktrina at mga Tipan 124

  • Kantahin ang “Ako Ba’y May Kabutihang Nagawa?” (Mga Himno, blg. 135).

  • Masaya si Jesus kapag sinisikap nating gumawa ng mabuti (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:15–21).

  • Gumupit ng mga pusong papel at idrowing sa bawat isa ang sarili ninyo na gumagawa ng isang mabuting bagay. Bawat araw sa linggong ito, pumili ng isang puso at gawin ang ipinapakita ng drowing.

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Friend Magazine, Global 2021/10 Oct

Mga paglalarawan ni Katy Dockrill