2021
Pasko sa Mali
Disyembre 2021


Pasko sa Mali

Ang awtor ay naninirahan sa Texas, USA.

Hindi makapaghintay si Judith na ipagdiwang ang pagsilang ni Jesus kasama ang kanyang branch.

“Anghel aming narinig, sa parang umaawit” (Mga Himno, blg. 124).

Church members in Mali singing together

Araw ng Pasko noon. Humihimig si Judith habang naglalakad siya papunta sa gusali ng simbahan. Siya at ang kanyang mga kapatid ay papunta sa Christmas party ng kanilang branch.

Ngumiti ang kapatid niyang si Esther. “Iyan ba ang ‘Anghel Aming Narinig?’”

“Oo! Paborito ko iyan. Sana kantahin natin ito ngayon.” Ngumiti si Judith.

“Gustung-gusto ko ang awiting iyan!” Dagdag pa ni Désiré, kanyang kapatid. Malakas niyang inawit ang, “Gl-o-o-o-ria!”

Natawa silang lahat. Hindi makapaghintay si Judith na magdiwang kasama ang kanilang branch. Kaunti lang ang mga tao sa Mali na nagdiriwang ng Pasko. Sa bahaging ito ng Africa, karamihan sa mga tao ay walang gaanong alam tungkol kay Jesus. Para sa kanila, ang Pasko ay isang karaniwang araw lamang.

Ang mga lansangan ay puno ng mga tao. Ang mga nagtitinda ay nagbebenta ng mga berdeng melon. Ang mga bata at matanda ay may sunong na sisidlan ng tubig. Isang batang lalaki ang umaakay sa isang asno na humihila ng kariton. Tumingala si Judith sa mataas at makitid na tore ng isang mosque. Isa itong magandang gusali kung saan sumasamba ang marami sa kanilang mga kapitbahay na Muslim.

two sisters and brother walking through street in Mali

Sina Judith, Esther, at Désiré ay dating nagpupunta sa simbahan ni Papa. Pero noong nakaraang tag-init, sumapi sila sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ngayon silang tatlo ay sama-samang naglalakad papunta sa simbahan linggu-linggo. Gustung-gustong malaman ni Judith ang tungkol kay Jesus sa Primary.

Sa wakas ay nakarating sila sa party. Karamihan sa mga pamilya sa branch ay naroon na. Ipinapalabas ng isang projector ang mga video sa Pasko sa dingding ng chapel. Pinanood ni Judith si Jose na inaakay si Maria sa Bet-lehem sakay ng isang asno. Ang matao at maalikabok na mga kalsada ay nagpaalala sa kanya sa Mali!

Pagkatapos ng video, may dumating na taxi. Si Sister Valerie, ang Relief Society president, ang bumaba.

“Heto na ang pagkain!” pagtawag niya.

Tumulong ang lahat na magdala ng mga plato sa balkonahe. Parang piyesta! Potato salad, mga carrot, beans, matingkad na dilaw na kanin, pritong manok … masarap lahat!

“Maraming salamat, Sister Valerie!” sabi ni Judith.

Pagkatapos ay nakatanggap ang maliliit na bata ng bola, manika, o laruang kotse. Kulang ang mga regalo para makatanggap si Judith ng isa, pero ayos lang sa kanya. Gustung-gusto niyang nakikitang nakangiti ang maliliit na bata.

Church members in Mali eating dinner together

Natapos ang party sa pag-awit. Pero ngumiti si Judith nang kantahin nila ang “Anghel Aming Narinig.”

Sama-samang kumanta ang buong branch. Napakaganda. Si Jesus ay talagang isinilang maraming taon na ang nakalipas! Lubos ang pasasalamat ni Judith na alam niya, at nina Désiré, at Esther ang tungkol sa Kanya. At masayang-masaya siyang ipagdiwang ang Kanyang pagsilang.

three siblings standing together in beautiful patterned clothes

Sina Esther, Judith, at Désiré sa harapan ng gusali ng simbahan.

December 2021 Friend Magazine

Mga paglalarawan ni Steph Marshall