Ang Sorpresang Piñata
Ang kuwentong ito ay naganap sa Mexico.
Ang buong pamilya ni Alan ay nasa bahay nina Abuela at Abuelo (Lolo at Lola) para sa Nochebuena (Bisperas ng Pasko)!
Hi, Alan!
Tuloy kayo! Kailangan tayo ni Tita María.
Pag-aaralan natin ang isang espesyal na sayaw na sasayawin natin para sa lahat bukas. Tuturuan kita.
Magtulungan! Iyan ang ginagawa ng ating pamilya.
Alam na natin! Ang galing!
Ang husay! Magtatanghal tayo para sa pamilya bukas.
Ngayon sino ang handa na para sa piñata?
Abuelo, harina po ba ito?
Tama! Bulaga!
Ang ganda nito. Ang pinakamagandang regalo sa Pasko ay ang magkasama-sama ang buong pamilya ko!
Pero pumupunta kami rito tuwing Linggo pagkatapos magsimba.
Kung gayon, napakasuwerte ko para makuha ang aking regalo sa Pasko linggu-linggo!
Feliz Navidad!