Minamahal na mga Kaibigan,
Malapit na ang Pasko! Ipinagdiriwang ng mga bata sa buong mundo ang pagsilang ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Sa Kaibigan na ito, maaari mong mabasa ang tungkol sa Pasko sa Japan (pahina 4), Mali (pahina 8), at Mexico (pahina 20). Maaari ka ring gumawa ng mga Christmas craft mula sa ibang mga bansa (pahina 34).
Salamat sa lahat ng kaloob ng pagmamahal na ibinigay ninyo sa pamamagitan ng inyong matulunging mga kamay sa taon na ito. Mangyaring patuloy na magpadala sa amin ng mga kuwento kung paano ninyo sinusubukang tumulong, tulad ng ginawa ni Jesus. Inaasam naming makita ang iba pa ninyong mga kuwento sa susunod na taon!
Maligayang Pasko!
Ang Kaibigan
Mga Palamuti sa Salt-Dough
Kami ng mga kapatid kong lalaki ay gumawa ng mga palamuti sa salt-dough (Dis. 2020) at lihim na ibinigay ang ilan sa aming mga kapitbahay. Naging masaya kami na mahalin ang aming kapitbahay tulad ng itinuro ni Jesus.
Mary F., edad 10, Illinois, USA
Kung Saan Ko Binabasa ang Kaibigan
Binabasa ni Sharon H., edad 3, ang Kaibigan sa Ingles sa Dar Es Salaam, Tanzania!
Gustung-gusto Naming Makita ang Templo
Binisita nina Daniel at Samuel B., edad 4 at 6, ang Johannesburg South Africa Temple.