2021
Ang Unang Regalo sa Pasko
Disyembre 2021


Mula sa Unang Panguluhan

Ang Unang Regalo sa Pasko

Hango sa “The Gospel of Peace,” Pamaskong debosyonal ng Unang Panguluhan, Dis. 8, 2019, broadcasts. ChurchofJesusChrist.org.

girl thinking of gift box with baby Jesus

Isang araw ng Pasko, isang 11-taong-gulang na batang babae ang nalungkot dahil wala siyang bagong manika na matagal na niyang gusto. Inisip niya kung napakatanda na niya para sa Pasko. “Hindi dahil sa matanda na ang edad mo para sa Pasko,” sabi ng kanyang ama. “Pero tumatanda ka para mas maunawaan pa ito.”

Marami pa siyang ipinaliwanag. “Narinig mo na nagreregalo tayo sa Pasko dahil nagdala ng mga regalo ang mga pastol at Pantas na Lalake sa batang Cristo,” sabi niya. Pagkatapos ay ikinuwento niya ang tungkol sa unang regalo sa Pasko. Noon ibinigay sa atin ng Ama sa Langit ang Kanyang Anak na si Jesucristo para maging Tagapagligtas natin. Alam ng Ama sa Langit na magdurusa ang Kanyang Anak sa lupa, pero ibinigay pa rin Niya si Jesus sa mundo. At kusang-loob na ibinigay ni Jesus ang Kanyang sarili para magkaroon tayo ng buhay na walang-hanggan.

Nang gabing iyon hindi natulog ang batang babae na may Pamaskong manika sa kanyang unan. Ngunit sa kanyang puso ay nagkaroon siya ng bagong damdamin ng kapayapaan. Mayroon siyang regalo na hindi kailanman maluluma o mawawala. Iyon ay ang dakilang kaloob na pagmamahal ng Ama sa Langit.

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak.” Juan 3:16

December 2021 Friend Magazine

Mga paglalarawan ni J. Beth Jepson