2021
Mainit, at Nakakatuwang Paglilingkod
Disyembre 2021


Mainit, at Nakakatuwang Paglilingkod

Ang awtor ay naninirahan sa Oregon, USA.

Ano ang magagawa ni Jay sa sobrang tela?

boy holding up armful of scarves

Tumingin-tingin si Alex sa tindahan ng tela. Napakaraming kulay at magagandang pattern. Nakita niya ang ilan na magandang gawing bandana.

“Uy, Inay,” sabi ni Alex, na nakaturo sa ilang tela na may makukulay na larawan ng gecko (tuko). “Gusto mo ba ang mga tuko na ito?”

“Mas gusto ko ang cute, na matatabang kuneho,” sabi ni Inay.

Tumawa si Alex. “Alam n’yo naman ang ibig kong sabihin! Maganda po ba itong gawing mga bandana?”

“Palagay ko magugustuhan ito ng mga kaibigan mo.”

Gagawa si Alex ng mga bandana para sa mga kaibigan niya. Gagamitin niya ang soccer-ball print para kay Josh, ang rocket-ship print para kay José, at ang gecko print para kay Mike.

Di-nagtagal ay pauwi na sila dala ang tela. Nang umalis sila sa parking lot, nakita ni Alex ang isang lalaki na may hawak na karatula para humingi ng tulong. Alam niya na malamang na walang trabaho o tahanan ang lalaki. At mukhang ginaw na ginaw siya! Manipis na jacket lang ang suot niya. Si Alex ay may makapal na winter coat, pero giniginaw pa rin siya kapag naglalakad siya papasok sa eskuwela sa umaga.

man holding cardboard sign

Nang makauwi na sila, ipinakita ni Inay kay Alex kung paano ilatag nang tuwid ang tela at sukatin kung gaano ang kailangan niya para makagawa ng bandana. Maingat niyang ginupit ang tela gamit ang kanyang gunting. Pagkatapos ay gumupit siya ng hiwa sa mga dulo para makagawa ng fringe o tassel. Hindi nagtagal, nagkaroon si Alex ng anim na makukulay na bandana. Mayroon ding malaking bunton ng sobrang tela.

“May naiisip ka pa ba na gusto mong gawan ng mga regalong bandana?” tanong ni Inay.

“Wala pa naman po,” sabi ni Alex. Pagkatapos ay naisip niya ang lalaking may hawak na karatula. May naisip siya.

Nang linggong iyon para sa home evening, itinuro ni Alex sa kanyang buong pamilya kung paano gumawa ng mga bandana. Ang nanay niya ang nagsukat sa mga ito. Ang tatay niya ang gumupit ng tela. Si Alex at ang kapatid niyang babae ang gumawa ng fringe o tassel. Gustung-gusto niyang gumawa ng mga bandana gamit ang gecko fabric. Parang nakangiti sa kanya ang mga gecko habang nagtatrabaho siya.

boy cutting fabric with geckos on it

“Wow,” sabi ni Alex nang matapos na ang mga ito. “Nakagawa tayo ng 14 na bandana na maaaring ipamigay!”

“Ano ang gagawin natin ngayon?” tanong ng kanyang kapatid.

“Palagay ko dapat nating ilagay ang mga ito sa kotse,” sabi ni Alex. “At kapag may nakita tayong isang tao na mukhang giniginaw, maaari natin silang bigyan.”

“Maganda ang naisip mo,” sabi ni Itay.

May kinuhang bag si Inay sa kabinet, at isinalansan nila doon ang mga bandana. “Siguro puwede tayong mag-ikut-ikot na pamilya para maghanap ng mga taong nangangailangan ng mga bandana,” sabi niya.

“Pwede na po ba tayong mag-ikot ngayon?” tanong ni Alex.

Dumungaw si Inay sa bintana. “Hindi ko alam. Para kasing maginaw sa labas.”

“Hindi po ba iyon ang dapat?”

Ngumiti ang kanyang mga magulang. “Sa tingin ko tama ka,” sabi ni Inay. “Tiyakin lang ninyo na makapal ang suot ninyo.”

Isinuot ni Alex ang kanyang coat, pero halos hindi niya napansin ang malamig na hangin. Alam niya na maaaring makatulong sa isang tao ang kanyang mga bandana, at gumanda ang pakiramdam niya.

December 2021 Friend Magazine

Mga paglalarawan ni Mark Robison