2021
Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Disyembre 2021


Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan

Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ang mga ito.

Tsune Ishida Nachie

cut-out card

1856–1938

“Laging nananalangin si Sister Nachie [nang may pasasalamat] para sa … natagpuan niyang bagong pananampalataya.”

  • Nanirahan siya sa Japan. Tumulong siya sa pangangalaga sa mga unang missionary doon.

  • Hindi nagtagal ay hiniling niya na mabinyagan siya.

  • Siya ang unang babae mula sa Japan na pumunta sa templo sa Laie, Hawaii. Siya rin ang naging unang temple worker mula sa Japan.

  • Tumulong siya na maituro ang ebanghelyo sa iba pang mga Hapones na nakatira sa Hawaii.

Truman O. Angell

cut-out card

1810–1887

“Hindi ako nag-aral [para] kumita, kundi para itayo ang Sion ng ating Diyos.”

  • Isa siyang karpintero. Tumulong siya sa pagtatayo ng Kirtland at Nauvoo Temple.

  • Tinawag siya ng propeta na maging arkitekto para sa Simbahan.

  • Nagmisyon siya sa Europa at marami pang natutuhan tungkol sa pagdisenyo ng mga gusali.

  • Siya ang nagdisenyo ng Salt Lake Temple. Pinagsikapan niya ito nang mahigit 35 taon.

December 2021 Friend Magazine

Mga paglalarawan ni Brooke Smart