2021
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na Bata
Disyembre 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na Bata

Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.

drawing of grandpa

Para sa Doktrina at mga Tipan 137–138: Magkuwento tungkol sa isang kapamilya o kaibigan na namatay na. Magdrowing ng larawan nila! Tulungan ang maliliit ninyong anak na sabihing, “Makakasama ko ulit ang mga mahal ko sa buhay.”

mom and daughter

Para sa Mga Saligan ng Pananampalataya: Pumili ng isang saligan ng pananampalataya. Hilingin sa inyong mga musmos na ulitin ang mga salita habang binabasa mo ito nang malakas. Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Itinuturo sa akin ng mga banal na kasulatan ang mabubuting bagay.”

child’s hand

Para sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”: Bakatin ang kamay ng bawat miyembro ng pamilya sa papel. Pagkatapos ay gupitin ang mga ito. Ipila ang lahat ng mga kamay. Pag-usapan kung paanong bahagi ng plano ng Diyos ang pamilya. Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Mahalaga ang aming pamilya!”

baby Jesus

Para sa Pasko: Magpakita ng larawan ni Jesucristo at kantahin ang isang himno o awitin sa Primary na tungkol sa Kanya. Ibahagi kung ano ang nadarama mo tungkol kay Jesus. Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Mahal ko si Jesus.”

Mga paglalarawan ni Alessia Girasole