Masasayang Bagay
Mga Craft sa Pasko sa Iba’t ibang Panig ng Mundo
Bawat isa sa mga craft na ito ay mula sa ibang bansa. Maaari ka bang gumawa ng dekorasyon batay sa mga tradisyon sa Pasko ng inyong pamilya?
Koronang Bulaklak sa Araw ni St. Lucia
Sa Sweden, ang Araw ni St. Lucia ay sa simula ng Disyembre. Ang mga batang babae ay nagsusuot ng puting damit at mga koronang gawa sa holly na may mga kandila. Ang mga kandila ay kumakatawan sa liwanag ni Jesucristo.
-
Gupitin ang mga hugis-dahon sa papel at kulayan ang mga ito ng berde. Idikit o iteyp ang mga ito para makagawa ng bilog na wreath o korona.
-
Gumawa ng mga kandila na yari sa papel at idagdag ang mga ito sa wreath o korona.
Nagniningning na mga Bituin
Sa Pilipinas, sinisimulan ng mga tao ang pagdiriwang ng Pasko sa buwan ng Setyembre! Maraming tao ang gumagawa ng mga hugis-bituin na pansabit na tinatawag na mga parol.
-
Ilatag ang limang patpat na nakapatong sa isa’t isa na pahugis bituin. Itali ang mga dulo kung saan magkapatong ang mga ito.
-
Dikitan ng manipis na papel ang ibabaw ng bituin.
-
Lagyan ng dekorasyon ang iyong bituin. Lagyan ng tali sa tuktok ng bituin para maisabit ito.
Mga Brazilian Firework
Ipinagdiriwang ng mga tao sa Brazil ang Pasko sa pamamagitan ng kasiyahan sa dalampasigan at panonood ng mga paputok.
-
Gupitin ang dalawang mahahabang piraso ng colored paper, mga 2–3 pulgada (5–8 cm) ang lapad. Lagyan ng maliit na hiwa sa isang panig ng bawat piraso para makagawa ng fringe o palawit. Huwag tuluy-tuloy na gupitin!
-
Pagpatung-patungin ang mga ito at ipaikot ito sa isang mahabang patpat o skewer. Iteyp o idikit ang ilalim ng papel sa patpat.
-
Paghiwa-hiwalayin ang mga palawit para magmukhang paputok! Ipakita ang iyong mga dekorasyon na paputok sa isang vase o cup.
Mga Biskwit ng Pasko
Sa England, gustung-gusto ng mga bata na makatanggap ng maliliit na package na tinatawag na mga Christmas cracker. Hihilahin ng isang tao ang magkabilang dulo para makita ang mga pagkain at maliliit na regalo sa loob!
-
Balutin ng manipis na papel ang isang tube ng cardboard o makapal na papel. Ang papel ay dapat na mas mahaba kaysa sa tube.
-
Punuin ang tube ng confetti at kendi o maliit na regalo.
-
Pilipitin ang papel sa magkabilang dulo.
-
Talian ang magkabilang dulo ng laso o tali.