Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Ang Ating Tahanan sa Langit
Para sa Doktrina at mga Tipan 137–138
-
Kantahin ang “Si Jesus ba ay Nagbangon?” (Aklat ng mga Awit Pambata, 45).
-
Noong bata pa si Joseph Smith, ang kanyang kapatid na si Alvin ay namatay. Kalaunan, nagkaroon ng pangitain si Joseph na mapupunta si Alvin sa kahariang selestiyal. Dahil si Jesucristo ay namatay at nabuhay na mag-uli, makakapiling nating muli ang ating pamilya pagkatapos nating mamatay at mabuhay na mag-uli.
-
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 137:1–5. Ano sa palagay mo ang hitsura ng kahariang selestiyal? Maghalinhinan sa pagsasabi ng mga salita para ilarawan ito. Pagkatapos ay magdrowing ng larawan ng inyong pamilya kasama ang Ama sa Langit at si Jesus.
Puno ng “Naniniwala Kami”
Para sa Mga Saligan ng Pananampalataya at Mga Opisyal na Pahayag 1 at 2
-
Awitin ang “Isinugo, Kanyang Anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20).
-
Itinuturo ng Mga Saligan ng Pananampalataya kung ano ang ating pinaniniwalaan. Isinulat ni Joseph Smith ang Mga Saligan ng Pananampalataya para ipaliwanag ang ebanghelyo sa ibang tao.
-
Basahin ang “Bakit Gustung-Gusto Ko ang mga Saligan ng Pananampalataya” sa pahina 26. Gumupit ng 13 bilog para gumawa ng mga palamuting papel. Lagyan ng bilang ang mga bilog mula 1 hanggang 13. Pagkatapos ay magdrowing ng isang bagay sa kabilang panig na nagpapaalala sa iyo sa saligan ng pananampalatayang iyon. Maaari mong isabit ang mga ito sa inyong Christmas tree o sa iba pang lugar sa inyong bahay. Habang isinasabit ninyo ang bawat palamuti, bigkasin ang saligan ng pananampalataya na kaugnay nito.
Pasa-pasang Pasasalamat ng Pamilya
Para sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”
-
Kantahin ang “Susundin Ko ang Plano ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 86–87).
-
Ang mga pamilya ay mahalagang bahagi ng plano ng Diyos. Nakasaad sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” na, “Ang kaligayahan sa buhay ng mag-anak ay lalong higit na makakamit kapag isinalig sa mga turo ng Panginoong Jesucristo.” Mas napapasaya natin ang ating pamilya sa pagsunod kay Jesus.
-
Ngayon ay maglaro! Umupo nang pabilog ang lahat. Magpasa-pasa ng bola o nilukot na papel. Kapag inihagis mo ang bola sa isang tao, sabihin sa kanila ang isang paraan na nakita mo silang sumunod kay Jesus sa pagtulong sa isang tao sa iyong pamilya na maging masaya.
Belen ng Pamilya
Para sa Pasko
-
Kantahin ang “Dinggin! Awit ng Anghel” (Mga Himno, blg. 128).
-
Itinuturo sa atin ng “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” na si Jesucristo “ang ilaw, ang buhay, at pag-asa ng sanlibutan.” Ipinagdiriwang natin ang Pasko para alalahanin si Jesucristo.
-
Gamitin ang aktibidad sa pahina 24 para isalaysay ang kuwento ng Kapanganakan. Magsalitan sa pagdaragdag ng mga larawan sa tagpo sa inyong Belen habang ikinukuwento mo ito.