Matulunging mga Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Willard mula sa Burundi
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Willard
Edad: 12
Mula sa: Ang kanyang pamilya ay mula sa Burundi pero nakatira na ngayon sa Utah, USA
Mga Wika: Ingles at Kirundi
Pamilya: Ama, ina, mas batang kapatid na lalaki, at dalawang kapatid na ampon
Mga mithiin at pangarap: 1) Patuloy na mag-aral, matuto, at tumugtog ng plauta. 2) Maging propesyonal na video gamer o presidente ng isang kumpanya.
Ang mga Matulunging Kamay ni Willard
Sa tahanan, tumutulong si Willard sa paggawa ng mga gawaing-bahay, pagtuturo sa kanyang mga kapatid, at pagbabasa ng mga banal na kasulatan kasama ang kanyang pamilya. Naglilingkod siya sa simbahan at sa kanyang lungsod. Gustung-gustong tumulong ni Willard anumang oras na hilingan siyang tumulong.
Ang mga kapamilya ni Willard ay mga refugee noon. Kinailangan nilang iwan ang kanilang sariling bansa. Gustung-gusto nilang paglingkuran ang mga tao sa paligid nila at tulungan din ang kanilang pamilya sa Burundi.
Isang Pasko, nagbigay ang isang kaibigan ng garapon ng mga barya kay Willard at sa kanyang pamilya. Nagpasiya silang ibigay ang mga barya sa ibang tao para tulungan sila! Sabi ni Willard, “Si Jesus ang Anak ng Diyos. Ipinakita Niya sa atin na nagmamalasakit Siya sa mga tao sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanila.”
Mga Paborito ni Willard
Lugar: Mga Amusement park
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang pakainin ni Jesus ang mga taong nagugutom sa pamamagitan ng ilang isda at tinapay
Awitin sa Primary: “Ako ay Anak ng Diyos,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3)
Mga Pagkain: Pizza at kanin at beans
Kulay: Pula
Asignatura sa paaralan: PE at science