Ipakita at Ikuwento
Matapos siyang bumagsak, tinulungan ko ang kapatid ko at niyakap ko siya. Palagi akong masaya kapag tinutulungan ko ang ibang tao. Gusto kong tularan ang halimbawa ng kabaitan at pagmamahal ni Jesus.
Ariela F., edad 7, Wiltshire, England
Nakatira sa China ang lolo’t lola ko. Araw-araw kong ipinagdarasal na maging ligtas, malusog, at masaya ang aking pamilya. Sana mabisita ko sila kaagad.
Liou C., edad 7, Taoyuan, Taiwan
Gumawa kami ng 50 Christmas card para sa mga taong walang tahanan na nakatuloy sa pansamantalang kanlungan sa aming bayan. Gusto naming matiyak na alam nila na mahal sila tuwing Pasko.
Jude at Oliver G., edad 4 at 8, California, USA
Itinatayo namin ang “punong nagbibigay” sa labas ng bahay namin. Inanyayahan namin ang mga kapitbahay na gumawa ng mabuting gawa at pagkatapos ay isabit ang isang palamuti sa puno. Masaya ang mga kapitbahay na makita ang napakaraming mabubuting gawa. Plano naming gawin itong tradisyon sa Pasko!
Kip, Annabelle, Hayes, at Dawson F., edad 2, 8, 4, at 6, Florida, USA
Mahaba at madilim ang taglamig kung saan ako nakatira, pero alam kong kaya pa ring liwanagin ni Jesus ang ating buhay!
Bryce B., edad 9, Alaska, USA
Para sa kaarawan ni Joseph Smith, gumawa kami ng cake na nagpapakita ng Unang Pangitain!
Taylor, Marinn, Matthew, at Brenna G., edad 3, 9, 7, at 5, New York, USA
Amiliia M., edad 5, Russia
Teancum S., edad 9, Jakarta, Indonesia
Giselle Olivia K., edad 8, Karnataka, India
Beatrice J., edad 10, Montana, USA
Daniel D., edad 7, Michigan, USA