2022
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Marso 2022


Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, o para lang sa paglilibang!

Umakyat sa Hagdan

girl drawing ladder with chalk on ground

Tingnan sa Genesis 28–33.

Kuwento: Nanaginip si Jacob tungkol sa isang hagdan na patungo sa langit. Ang mga hakbang sa hagdan ay kumakatawan sa mga hakbang na ginagawa natin upang mas mapalapit sa Diyos. (Tingnan sa Genesis 28:10–16.)

Awit: “Ang Tama’y Ipaglaban” (Aklat ng mga Awit Pambata, 81)

Aktibidad: Gumawa ng kunwaring hagdan sa sahig gamit ang tisa o mga patpat. Magsalitan sa pagsasabi ng isang bagay na ipinapangako natin sa Ama sa Langit kapag bininyagan tayo. Pagkatapos magbanggit ng isang bagay, umakyat ng isang hakbang sa hagdan. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20:77 at Mosias18:8–10.)

Pagpaplano para Maging Handa

bag of emergency items

Para sa Genesis 37–41.

Kuwento: Tinulungan ni Jose ang mga tao sa Egipto na maghanda para sa panahon ng kahirapan. Maaari mong basahin ang kuwentong ito sa pahina 8 o sa Genesis 41.

Awit: “Isang Masayang Pamilya” (Aklat ng mga Awit Pambata, 104)

Aktibidad: Gumawa ng plano para sa emergency. Pag-usapan ang mga paraan na makapaghahanda ang inyong pamilya para sa mga emergency. Ano ang maaari ninyong simulan ngayon?

Mga Pusong Nagpapatawad

boy and girl cutting out paper hearts

Tingnan sa Genesis 42–50.

Kuwento: Talagang hindi mabait ang pakikitungo ng mga kapatid ni Jose sa kanya. Pagkaraan ng maraming taon, muli niyang nakita ang mga ito. Nakita niya na naging mas mabuti na sila. Pinatawad niya sila at naging mabait sa kanila. (Tingnan sa Genesis 42; 45.)

Awit: “Mahalin ang Bawat Isa” (Aklat ng mga Awit Pambata, 74)

Aktibidad: Gumupit ng ilang pusong papel. Sa isang panig, isulat kung ano ang maaari mong sabihin o gawin para humingi ng paumanhin kapag nasaktan mo ang isang tao. Sa kabilang panig, isulat ang maaari mong sabihin o gawin para mapatawad ang isang tao.

Basket ng Paglilingkod

basket full of folded paper

Para sa Exodo 1–6

Kuwento: Noong sanggol pa si Moises, itinago siya ng kanyang ina sa isang basket para manatili siyang ligtas. Tumulong din ang kanyang kapatid na alagaan siya. Lumaki siya at naging propeta. (Tingnan sa Exodo 2:1–10.)

Awit: “‘Magbigay,’ Wika ng Munting Sapa” (Aklat ng mga Awit Pambata, 116)

Aktibidad: Matutulungan mo rin ang iba! Pumunta sa pahina 12 para gumawa ng basket na papel, tulad ng pinaglagyan kay Moises. Sa mga piraso ng papel, isulat ang mga paraan na mapaglilingkuran mo ang iba. Pagkatapos ay ilagay ang mga papel sa basket. Kapag gusto mong tulungan ang isang tao, pumili ng isang piraso ng papel at gawin ang sinasabi rito.

Page from the March 2022 Friend Magazine.

Mga paglalarawan ni Katy Dockrill