Ano ang Iniisip Mo?
Minsan ay nagtatalo at nag-aaway kaming magkakapatid. Ano ang magagawa ko para mas makasundo sila?
—Malungkot sa Singapore
Mahal naming Malungkot,
Ang pakikisama sa mga kapatid ay maaaring maging mahirap. Ngunit maaari kang manalangin para matulungan kang maging mapagpasensya at mabait. Kapag hindi kayo nagkakasundo, subukan ang mga ideyang ito at basahin ang mga talata sa banal na kasulatan para sa karagdagang tulong. Kung sinasaktan ka ng kapatid mo, humingi ka kaagad ng tulong mula sa isang adult.
Kaya mo iyan!
Ang Kaibigan
Magpahinga sandali.
Lumakad palayo at huminga nang malalim. Mag-isip ng tatlong bagay na nakikita mo, dalawang bagay na naririnig mo, at isang bagay na nahahawakan mo.
Maging matalino sa pagpili ng mga salita.
“Sabihin” ang mga salita sa isip mo bago mo bigkasin ang mga ito nang malakas. Ano ang madarama mo kung sa iyo sinabi ang mga salitang iyon?
Sama-samang lutasin ang problema.
Magbahagi ng mga ideya kung paano mas magkakasundo. Magpasya kung ano ang kapwa magagawa ninyo nang magkasama.
Piliin ang kabaitan.
Itanong sa sarili mo, “Ano ang gagawin ni Jesus?” Mag-isip ng mga paraan na makapagpapakita ka ng kabaitan, kahit na masama ang loob mo.