Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Naghanda si Jose para sa Panahon ng Taggutom
Mababasa mo ang kuwentong ito sa Genesis 41.
Si Jose ay isang propeta. Nakatira siya sa Egipto. Isang gabi, si Faraon, ang hari ng Egipto, ay nagkaroon ng isang kakaibang panaginip. Tinanong niya si Jose kung ano ang ibig sabihin ng panaginip.
Tinulungan ng Diyos si Jose na maunawaan ang panaginip. Sa loob ng pitong taon, magkakaroon ng maraming pagkain ang mga tao. Pagkatapos sa loob ng pitong taon, magkukulang ang pagkain nila. Ito ang sinabi ni Jose kay Faraon.
Sinabi ni Jose na dapat silang mag-imbak ng pagkain ngayon. Sa ganitong paraan ay magiging handa sila sa panahon ng taggutom. Itinalaga ni Faraon si Jose na mamahala sa pag-iimbak ng pagkain. Nagtrabaho nang husto si Jose.
Nang dumating ang pitong taon ng taggutom, may sapat na pagkain ang mga tao. May sapat pa silang pagkain na maibabahagi sa iba.
Makapaghahanda na ako ngayon. Sa tulong ng Diyos, malalampasan ko ang mapanghamong mga panahon!