2022
Pagdaig sa Iyong mga Pagsubok
Marso 2022


Mula sa Unang Panguluhan

Pagdaig sa Iyong mga Pagsubok

Elder Oaks as a young boy looking sad at school

Ang pinakamalaking hamon sa akin noong bata pa ako ay nang mamatay ang tatay ko. Ako ay pitong taong gulang noon.

Mayroon akong isang kamangha-manghang ina at mababait na lolo’t lola. Pero umiyak ako nang husto. Sa paaralan, pinagtawanan ako ng mga kaklase ko dahil hindi ko kayang magbaybay o masagutan ang mga problema sa matematika nang maayos. Inapi-api ako ng ilan sa mga mas nakatatandang bata sa school bus. Hiniling ko na sana ay mayroon akong mga talento tulad ng iba na mahuhusay na atleta o magagaling na mang-aawit.

Makalipas ang ilang panahon, nagsimulang gumaan ang pakiramdam ko. Minahal at tinulungan ako ng pamilya ko. Patuloy akong nagsumikap, at unti-unti akong naging mas mahusay sa paaralan. Natuklasan ko rin ang mga bagay kung saan ako mahusay. Sinikap kong maging mas magaling sa mga bagay na iyon. Tinulungan ako ng Ama sa Langit.

Elder Oaks as a young man in a graduation cap

Habang lumalaki tayo, lahat tayo ay nagkakaroon ng mga hamon. Ang ilan sa atin ay may sakit o kapansanan. Ang ilan ay mahirap at hindi makakuha ng tamang pangangalagang medikal o edukasyon. Ang ilan ay tinatrato nang masama dahil sa kulay ng balat nila o sa pinagmulan nila.

Paano mo madadaig ang iyong mga hamon?

  • Magtiwala sa Ama sa Langit. Maaaring panghinaan tayo ng loob kung minsan, ngunit dapat tayong magtiwala sa Kanya. Mahal Niya ang Kanyang mga anak at nangako Siyang pagpapalain tayo.

  • Patuloy na magsikap. Itinuro sa atin ng Panginoon na lahat tayo ay may magkakaibang kaloob. Kaya nating tuklasin ang sarili nating mga kaloob. Pagkatapos ay magagamit natin ang mga ito para pagbutihin ang ating buhay at paglingkuran ang iba.

Gaano man kadilim pagkatapos lumubog ng araw, laging nagiging maliwanag sa pagsikat nito. Totoo iyan sa buhay natin. Kung may balakid sa isang landas, maaari tayong humanap ng iba. Kung tila napakahirap gawin ng isang bagay, maaari tayong sumulong at maging mas mabuti rito.

Ipinapangako ko na tutulungan ka ng Ama sa Langit na madaig ang iyong mga pagsubok. Mahal ka Niya at tutulungan kang maging nais Niyang kahinatnan mo.

Kaya Kong Daigin ang mga Hamon

coloring page of girl hiking up mountain
Page from the March 2022 Friend Magazine.

Mga paglalarawan ni Alyssa Petersen