Hello mula sa FIji!
Samahan sina Margo at Paolo habang naglalakbay sila sa iba’t ibang panig ng mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit.
Ang Fiji ay isang bansa na nasa South Pacific Ocean. Mayroon itong mahigit 330 isla!
Isang Masayang Katulong
Tumutulong ang batang ito sa Fiji na maglinis sa simbahan! Paano ka tumutulong?
Magkakasamang Lahat
Ang mga pamilya ay kadalasang kumakain ng mga ugat ng taro, kamoteng-kahoy, o tropikal na prutas kasama ng iba pa nilang pagkain. Ang sarap!
Sports
Napakasikat ng Rugby. Pambansang isport na ito sa Fiji!
Mga Kaibigang Hayop
Maraming kawili-wiling halaman at hayop sa Fiji, tulad nitong iguana na may mga guhit.
Isang Magandang Templo
Ang Fiji ay may 22,000 na miyembro ng Simbahan. Ito ay may templo sa Suva, ang kabiserang lungsod.