Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Alice mula sa Fiji
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Alice
Edad: 10
Mula sa: Isinilang sa China at nakatira na ngayon sa Fiji
Mga Wika: Chinese at Ingles
Mga mithiin at pangarap: 1) Maging isang pintor. 2) Mas matuto ng Ingles sa pamamagitan ng pagbabasa tungkol kay Jesus.
Pamilya: Itay, Inay, kapatid na babae, at kapatid na lalaki
Ang mga Matulunging Kamay ni Alice
Ang nanay ni Alice ay isang doktor, at nagsasanay ang kanyang tatay ng mga tao sa first aid o paunang lunas. Sinimulan ni Alice at ng kanyang pamilya ang isang youth volunteer team para tulungan ang mga tao sa kanilang lugar.
Una, ang kanyang mga magulang ay nagsanay ng mahigit 100 tinedyer at ng kanilang mga magulang sa first aid. Tumulong din si Alice. Pagkatapos ay nagtipon ang grupo ng mahigit 3,000 kasuotan para sa mga taong nangangailangan. Nagtipon din sila ng maraming sapatos.
Hangang-hanga ang lokal na kapulisan sa kanilang ginawa. Binigyan nila ang grupo ng mesa sa palengke para matulungan silang gumawa ng mas maraming mabuting trabaho.
“Naniniwala kami sa Diyos,” sabi ni Alice. “Kaya naglilingkod kami sa lahat!”
Mga Paborito ni Alice
Lugar: Ang tabing-dagat
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang hawakan ng babae na nasa gitna ng maraming tao ang Kanyang damit at gumaling ito
Awit sa Primary: “Nais Ko nang Maging Misyonero” (Aklat ng mga Awit Pambata, 90).
Pagkain: Pansit
Kulay: Lila
Klase sa paaralan: Matematika