Minamahal na mga Kaibigan,
Nagkaroon na ba kayo ng isang malaking hamon? Sa pahina 2, ikinuwento ni Pangulong Oaks kung gaano kahirap ang buhay nang mamatay ang kanyang ama. Sinabi rin niya kung paano ninyo madaraig ang inyong mga hamon. Sa pahina 4, maaari ninyong malaman kung paano nakahanap ng kapanatagan ang isang batang babaeng nalulungkot. At sa pahina 26, maaari kayong matuto ng isang bagong awitin tungkol sa mga paraan na palaging nariyan ang Ama sa Langit para tulungan kayo.
Mahal namin kayo!
Ang Kaibigan
P.S. Isulat at sabihin sa amin kung ano ang nakatulong sa inyo sa isang mapanghamon na panahon.