2022
Pagkakaroon ng Kapayapaan
Marso 2022


Pagkakaroon ng Kapayapaan

“Tulungan po Ninyo akong huwag masyadong malungkot.”

girl hugging her older sister goodbye

Sinubukan ni Molly na huwag umiyak nang magpaalam siya sa kapatid niyang si Macy. “Mahal kita!” sabi ni Molly. Niyakap niya nang mahigpit si Macy.

“Magkikita ulit tayo pagkaraan ng ilang buwan,” sabi ni Macy. Aalis na sa bahay si Macy para mag-aral sa kolehiyo. Ang isa sa mga kapatid ni Molly ay malayo at nasa kolehiyo na. Ang isa pa niyang kapatid na lalaki ay nasa misyon. Labis na nangungulila si Molly sa kanila!

Pinisil ni Nanay ang kamay ni Molly. Minasdan nila si Macy habang nagmamaneho ito papalayo. “Mami-miss natin siya,” sabi ni Nanay. May luha sa kanyang mga mata.

Pumasok si Molly sa bahay. Nagpunta siya sa bakanteng kuwarto ni Macy at isinara ang pinto. Pagkatapos ay umupo siya sa kama ni Macy at nagsimulang umiyak.

May kumatok sa pinto. Pumasok sina Nanay at Tatay. Niyakap nila si Molly. Umupo silang lahat sa kama ni Macy hanggang sa tumigil sa pag-iyak si Molly.

“Alam kong malungkot ka na umalis na si Macy,” sabi ni Tatay. “Bakit hindi tayo manalangin bilang pamilya? Maaari tayong humiling sa Ama sa Langit na tulungan tayo na pagaanin ang nararamdaman natin. Maaari ka bang manalangin, Molly?”

“Okey po.” Yumuko si Molly. “Ama sa Langit, salamat po para sa lahat ng miyembro ng aming pamilya—para kay Will, Parker, Macy, ako, at si Nanay at Tatay. Salamat po sa Inyo na maaari kaming maging pamilya magpakailanman. Tulungan po Ninyo kaming mapanatag. At tulungan po Ninyo akong huwag masyadong malungkot.”

Na-miss ni Molly ang pakikipag-usap kay Macy bago matulog. Ngunit alam niya na narinig ng Ama sa Langit ang kanyang mga dalangin. Alam niyang tutulong Siya para gumaan ang pakiramdam niya.

Kinaumagahan, napakatahimik ng bahay nina Molly! Na-miss niya ang tawanan nila ni Macy habang naghahanda silang pumasok sa paaralan. Na-miss niya ang pagkain nila ng almusal nang magkasama. Kung minsan, sinasabi sa kanya ni Macy ang natututuhan nito sa seminary. Palaging napapayapa si Molly kapag nag-uusap sila tungkol sa ebanghelyo.

Iyon pala! May naisip si Molly.

Naghanda si Molly na pumasok sa paaralan. Pagkatapos ay nakita niya si Nanay.

“Hi, mahal ko.” Niyakap siya ni Nanay nang mahigpit. “Handa ka na bang pumasok?”

“Maaari po ba tayong magbasa ng isang mensahe sa kumperensya nang magkasama bago ako umalis?” tanong ni Molly. “Palagay ko po ay makatutulong ito para gumaan ang pakiramdam ko.”

Ngumiti si Nanay. “Magandang ideya iyan.”

girl reading Church magazine with mom

Nagsalitan sila sa pagbabasa ng isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya tungkol sa kapanatagan. Gustung-gusto ni Molly na makasama si Nanay. Masarap sa pakiramdam na magbasa ng isang mensahe kasama niya.

Nang matapos sila, ngumiti si Molly. “Gawin po natin ito ulit!”

Nami-miss pa rin niya sina Macy, Will, at Parker. Pero nabawasan na ang lungkot niya. Nasagot ang kanyang panalangin! Maaari siyang mag-ukol ng oras kasama ang kanyang ina at ama. At ang mga salita ng mga propeta ay makatutulong sa kanya na makadama ng kapayapaan.

Page from the March 2022 Friend Magazine.

Mga paglalarawan ni Liz Brizzi