Mga Kard tungkol sa mga Bayani sa Banal na Kasulatan
Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ang mga ito ng teyp.
Jose
“Sinugo ako ng Diyos na una sa inyo upang magligtas ng buhay.”
-
Marami siyang talento. Magaling siyang pinuno.
-
Talagang hindi mabait ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga kapatid, ngunit kalaunan ay pinatawad niya sila. Muli niyang pinagsama-sama ang kanyang pamilya.
-
Siya ay isang ninuno nina Nephi, Lehi, at Joseph Smith.
Sifra at Pua
“Hinayaan nilang mabuhay ang mga batang lalaki.”
-
Sila ay mga komadrona. Tinulungan nila ang mga babae na manganak.
-
Sinabi ni Faraon na patayin ang lahat ng bagong silang na batang lalaki. Ngunit pinanatiling ligtas ng mga komadrona ang mga sanggol.
-
Binasbasan sila ng Diyos sa pagprotekta sa mga bata.