Matutugtog Ko Ito
Nariyan Siya
Positibo [sangkapat na nota]=72
1. Tila mag-isa ka ba,
At labis na kayhirap
ng iyong gagawin?
Naramdaman mo na bang
napakatindi ng ‘yong
pag-aalala?
Tapos, munting tinig ang sa’yo’y nagsabi:
Koro: Nar’yan S’ya, mas malakas sa unos.
Nar’yan S’ya, dinig bawat dasal,
Ika’y pinalalakas,
Dadamay sa’yo sa t’wina.
Kasama mo, Siya’y laging nariyan.
2. Minsan ba’y naisip mo
Kung ano kaya’ng Kanyang
tingin sa iyo?
Ligaya Niya’y lubos
T’wing ika’y Kanyang tanaw;
Natatangi ka!
Mapanatag sa bilin ng munting tinig:
Koro 2: Nar’yan S’ya, daig ang bawat hamon.
Nar’yan S’ya, sumusubaybay,
Umaalo t’wing gabi,
Tinuturo’y tama lagi.
Kasama mo, Siya’y laging nariyan.
Magpatuloy, lumago;
Magdasal, matuto:
Mahal ka N’ya, Siya’y laging nariyan.