2022
Isang Papel na Gagampanan
Abril 2022


Isang Papel na Gagampanan

“May espesyal na papel ako para sa iyo,” sabi ni Sister Fox.

children in Primary class

Madaldal ang mga bata sa klase ni Capri. Mahilig silang magkuwentuhan tungkol sa nangyari sa buong linggo nila. Gustung-gusto nilang sumagot sa mga tanong sa lesson.

Pero hindi si Capri. Hindi siya makapagsalita. May kapansanan siya kaya hirap siyang magsalita.

Isang araw ng Linggo, may masayang balita si Sister Fox. “Paparating na ang Primary program,” sabi niya. “Bawat isa sa inyo ay may papel.”

Namigay ng mga piraso ng papel si Sister Fox sa iba pang mga bata. Bawat papel ay may isang linyang bibigkasin nila. Pero hindi mabigkas ni Capri ang mga salita. Paano siya magkakaroon ng papel sa programa?

“May espesyal na papel ako para sa iyo,” sabi ni Sister Fox kay Capri. Itinaas niya ang isang maliit na kahon. May maliit na hawakan ito na nakausli sa isang panig. “Panoorin mo ito.” Pinaikot nang pinaikot ni Sister Fox ang hawakan. Tumugtog ang banayad na musika mula sa kahon.

Pumalakpak si Capri. Alam niya ang kantang iyon!

Ngumiti si Sister Fox. “Heto, subukan mo.” Tinulungan niya si Capri na paikutin ang munting hawakan. Tumugtog ang musika. Parang madyik iyon!

“Puwede mo bang patugtugin ang awiting ito para sa ating Primary program?” tanong ni Sister Fox. Tumango si Capri. Masaya siyang magkaroon ng papel.

Hindi nagtagal, araw na ng programa. Isa-isang lumakad ang bawat bata papunta sa harapan para bigkasin ang kanilang linya.

Primary children speaking at pulpit

“Mahal tayo ng Diyos,” sabi ni Allie.

“Ang Diyos ang ating Ama sa Langit,” sabi ni Zac.

Primary children speaking at pulpit

Pagkatapos ay si Capri naman. Nagpunta siya sa harapan. Pagkatapos ay pinaikot niya ang munting hawakan sa kahon. Tumugtog ang banayad na musika. Inisip ni Capri ang mga titik ng awitin nang patugtugin niya ito.

girl holding up music box

Ako ay anak ng Diyos,

Dito’y isinilang,

Handog sa ‘kin ay tahana’t

Mabuting magulang.

Tumingin si Capri sa lahat ng tao. Nakangiti sila sa kanya.

Sa pagtatapos ng programa, nagsalita ang bishop. “Bawat bata ay nagbahagi ng kanilang patotoo ngayon,” sabi niya. “Ang ibinahagi nila ay totoo. Lahat tayo ay mga anak ng Diyos.”

Sumaya ang puso ni Capri. Alam niya na tama ang bishop. Siya ay anak ng Diyos. At nagkaroon siya ng mahalagang papel na gagampanan.

Page from the April 2022 Friend Magazine.

Mga larawang-guhit ni Conner Gillette