2022
Hello mula sa Canada
Abril 2022


Hello mula sa Canada!

Samahan sina Margo at Paolo sa paglalakbay nila sa mundo para alamin ang tungkol sa mga anak ng Diyos.

Canada ang pangalawang pinakamalaking bansa sa mundo. Halos 200,000 ang mga miyembro ng Simbahan doon.

Maraming Kultura

ward family from many different backgrounds

Mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang naninirahan sa Canada. Ang lungsod ng Toronto ay may mga 250 grupong etniko at 170 wika!

Kahanga-hangang Tubig

person in kayak

Nasa Canada ang 62 porsiyento ng mga lawa sa mundo! Ano ang paborito mong bahagi sa kamangha-manghang mundong gawa ng Diyos?

Katuwaan sa Taglamig

girl playing hockey

Ang opisyal na winter sport ng Canada ay ice hockey.

Dalawang Wika

the word ‘hello’ in English and French

Ang mga opisyal na wika ng Canada ay English at French.

9 na Templo sa Canada

temple in the fall

Narito ang magandang Regina Saskatchewan Temple.

Page from the April 2022 Friend Magazine.

Mga larawang-guhit ni Katie McDee