2022
Treasure Hunt ng Pamilya
Abril 2022


Treasure Hunt ng Pamilya

Bawat buwan, mangolekta ng isang family history treasure.

family singing together around campfire

Ang Hamon sa Buwang Ito

Magdagdag ng isang bagay sa iyong treasure box na nagpapaalala sa iyo ng isang paboritong lugar.

Mga Treasure Idea:

  • Magdrowing ng isang mapa o larawan ng isang paboritong lugar.

  • Patuyuin at itago ang mga bulaklak o dahon mula sa isang espesyal na lugar sa pamamagitan ng pag-ipit sa mga ito sa pagitan ng mga pahina ng isang aklat.

  • Itago ang isang tiket, postcard, o iba pang alaala mula sa isang lugar na binisita mo.

Mga larawang-guhit ni Steven Keele