2022
Tabihan Mo Siya sa Upuan
Abril 2022


Isinulat Mo

Tabihan Mo Siya sa Upuan

girl going to sit by boy on his own

Isang araw sa paaralan, nabalitaan ko na may isang batang lalaking inaapi. Nalungkot ako. Hindi dapat tratuhin nang gayon ang sinuman.

Kalaunan nang araw na iyon, may party ang klase namin. Dumating sa party ang batang inaapi at naupong mag-isa. Nang makita ko siya, naalala ko ang nangyari. Narinig kong sinabi sa akin ng isang tinig na tabihan ko siya sa upuan. Pero ayaw kong ako lang ang tumabi sa kanya sa upuan. Magiging ayos lang siya, naisip ko. Hindi niya kailangan ng katabi sa upuan. Hindi ko pinansin ang pakiramdam na iyon.

Muli kong narinig ang tinig, nang mas malakas. Tabihan mo siya sa upuan.

Tiningnan ko ang bata. Mukhang nalulumbay at nalulungkot siya. OK, naisip ko. Nang tabihan ko siya sa upuan, mukhang hindi siya komportable. Sinabi ko sa kanya ang pangalan ko at tinanong ko siya tungkol sa kanyang sarili. Noong una, kinabahan ako. Pero nang mag-usap kami, nakadama ako ng kapayapaan. At hindi na siya mukhang nalulumbay o nalulungkot.

Nang kailanganin na niyang bumalik sa klase, sinabi ko na kakausapin ko siya kalaunan. Ngumiti siya nang kaunti at sinabing OK. Nilapitan ako ng titser ko at nagsabing, “Salamat, Sierra. Napakabait mo.” Tumango lang ako.

Mabilis na lumipas ang buong maghapon, pero hindi nawala ang payapang damdaming iyon. Alam kong tama ang ginawa ko. Kung minsan, hindi tama ang pagtrato sa mga tao kapag kaiba sila. Ayaw ko ng ganoon, pero nangyayari iyon.

Lahat tayo ay mga anak ng Diyos. Dapat nating pakitunguhan ang iba nang may kabaitan. Kung gagawin natin ito, alam ko na pagpapalain tayo ng Diyos.

Larawang-guhit ni Kristin Sorra