2022
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Abril 2022


Para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Page from the April 2022 Friend Magazine.

Mga Bagong Kaibigan

Photo of Sydnee Gardner

Bago ako lumipat, kakaunti ang mga kaibigan ko. Akala ko magiging ganoon din sa lilipatan kong bagong lungsod. Nagdasal ako at hiniling ko sa aking Ama sa Langit na tulungan akong makahanap ng mabubuting kaibigan. Tinulungan nga Niya ako! Nagpapasalamat ako na maaari akong magdasal at magbahagi ng pinakamarubdob kong damdamin sa aking Ama sa Langit.

Sydnee G., edad 12, Idaho, USA

Bahagi para sa Family History

Pumili ng isang bansa mula sa iyong family tree. Maaaring kung saan ka nakatira ngayon o kung saan nakatira noon ang mga ninuno mo. Idrowing dito ang watawat ng bansang iyon.

Mga Ideya ng mga Bata at Kabataan

Pakikisalamuha: “Humanap ng mga paraan na mapag-uukulan ng oras o mapaglilingkuran ang isang tao na ang pakiramdam ay napag-iiwanan siya o maaaring nangangailangan ng iyong pakikipagkaibigan” (Children’s Guidebook, 51).

Mabilisang Quiz

Alin sa mga ito ang isa sa 10 salot ng Ehipto?

  1. mga palaka

  2. maasim na gatas

  3. mababahong manok

  4. mga higanteng paru-paro

Mga Nagbibigay-inspirasyong Salita

“Huwag kang matakot sapagkat sasamahan kita, at ikaw ay aking pagpapalain.” (Genesis 26:24)