Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Tristan mula sa Canada
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Tristan
Edad: 6
Mula sa: Québec, Canada
Mga Wika: English at French
Mga mithiin at pangarap: 1) Sundin si Jesus. 2) Tulungan ang iba.3) Maging bumbero.
Pamilya: Tristan, Itay, Inay, dalawang ate
Matulunging mga Kamay ni Tristan
Hindi mo kailangang gumawa ng malalaking bagay para tulungan ang iba. Mahilig tumulong si Tristan sa maraming maliliit na paraan. Niyayakap at hinahagkan niya ang kanyang nanay at tatay kapag pagod sila. Naglilinis siya ng kuwarto niya at nagtitipon ng mga bagay na ire-recycle. Nagdarasal siya, at sinisikap niyang pagandahin ang pakiramdam ng lahat.
Ginagamit din ni Tristan ang kanyang tinig para paglingkuran ang iba. Sa binyag ng kaibigan niyang si Nicholas, kinanta niya ang “Nang Binyagan si Cristo” (Liahona, Peb. 2015, 73). Kinailangan ng maraming praktis para makapaghanda. Pero ginawa iyon ni Tristan nang may ngiti. Masaya siya na matutulungan ng kanyang pagkanta ang mga tao na malaman ang tungkol kay Jesus at madama ang Espiritu Santo.
Mga Paborito ni Tristan
Lugar: Mga amusement park
Kuwento tungkol kay Jesus: Noong Siya ay Bininyagan
Awitin sa Primary: “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99)
Pagkain: Bacon, grilled cheese, strawberry, mangga
Mga kulay: Berde at dilaw
Subject sa Paaralan: Math