Ang Kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay
Minahal ni Jesus ang Kanyang mga kaibigan. Hinugasan Niya ang kanilang mga paa. Ibinigay Niya sa kanila ang sakramento.
Sinabi Niya sa Kanyang mga kaibigan na alalahanin Siya. Sinabi Niya sa kanila na mahalin ang isa’t isa.
Nagpunta si Jesus sa isang halamanan. Nagdasal Siya para sa ating lahat. Nadama Niya ang sakit ng ating mga kasalanan at ating mga karamdaman.
Kinuha ng mga galit na tao si Jesus. Namatay Siya sa krus para sa atin. Inilagak ng Kanyang mga kaibigan ang Kanyang katawan sa libingan.
Kinaumagahan ng Pasko ng Pagkabuhay, walang laman ang libingan! Sinabi ng mga anghel sa Kanyang mga kaibigan, “Siya ay nagbangon.”
Si Jesus ay nabuhay na muli!
Mahal tayo ni Jesus. Dahil sa Kanya, lahat tayo ay mabubuhay na muli pagkatapos nating mamatay.
Magagawa kong espesyal ang Pasko ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng pag-iisip kay Jesus.