Minamahal na mga Kaibigan,
Nagpipintura ka ba ng mga itlog o kumakain ka ba ng anumang espesyal na pagkain para sa Pasko ng Pagkabuhay? Sa pahina 3, makakakita ka ng isang aktibidad para ipagdiwang ang Pasko ng Pagkabuhay. Makakatulong ito sa iyo at sa inyong pamilya na alalahanin ang araw na nagbangon si Jesucristo mula sa mga patay. Iniligtas Niya tayong lahat mula sa kamatayan at ginawa ito upang makapagsisi tayo. Kaya nga tinatawag natin Siya na ating Tagapagligtas.
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!
Ang Kaibigan
P.S. Hanapin sa pahina 36 ang ilang craft at resipe para sa Pasko ng Pagkabuhay.