Mga Tala sa Kumperensya
Isang Maliit na Bata
Nagsalita si Pangulong Eyring tungkol kay Haring Benjamin, na tumayo sa isang tore para turuan ang kanyang mga tao. Itinuro ni Haring Benjamin na dapat tayong maging katulad ng isang maliit na bata. Ibig sabihin dapat tayong magtiwala sa Ama sa Langit at maging masunurin at mapagmahal. Kapag tayo ay nagiging katulad ng isang bata, mas katulad tayo ni Jesucristo.
Itinuturo nito sa akin:
Gaya ng Isang Kompas
Nagsalita si Elder Bednar tungkol sa mga tipan, o mga pangakong ginagawa natin sa Diyos. Sinabi niya na ang mga tipan ay parang kompas na tumutulong sa atin na malaman ang daan na tatahakin. Tulad ng isang kompas na nakaturo sa hilaga, itinuturo tayo ng ating mga tipan kay Jesucristo. Ang paggawa at pagtupad ng mga tipan ay tumutulong sa atin na mas mapalapit sa Kanya.
Itinuturo nito sa akin:
Soccer o Simbahan?
Sinabi ni Elder Gavarret na noong siya ay 12 taong gulang, hindi siya nagsimba isang linggo para makapaglaro ng soccer kasama ang kanyang mga kaibigan. Kalaunan, hiniling sa kanya ng isang lider ng Simbahan na tumulong sa pagtuturo ng lesson tungkol sa pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath. Nalaman ni Elder Gavarret na ang Linggo ay mahalagang araw para ituon ang pansin sa Ama sa Langit.
Itinuturo nito sa akin:
Isang Malaking Pagkakaiba
Ikinuwento ni Sister Aburto ang tungkol sa isang batang lalaking nagbayad ng ikapu. Tuwing nagbabayad siya ng isang dolyar, inisip niya na magtatayo ito ng buong gusali ng Simbahan! Makalipas ang ilang taon, natanto niya na hindi lang isang dolyar ang kailangan para makapagtayo ng isang gusali ng Simbahan. Ngunit itinuro ni Sister Aburto na kahit ang maliliit nating pagsisikap ay makagagawa ng malaking kaibhan.
Itinuturo nito sa akin: