Hello mula sa Brazil!
Samahan sina Margo at Paolo habang naglalakbay sila sa iba’t ibang panig ng mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit.
Ang Brazil ang pinakamalaking bansa sa Timog Amerika. May mahigit 211 milyong mga tao rito.
Kamangha-manghang mga Hayop
Ang Brazil ay may mas maraming uri ng mga halaman at hayop kaysa sa ibang bansa! Ang palakang ito na may lason ay nakatira sa Amazon rainforest.
Masayang Futebol
Maraming bata sa Brazil ang mahilig maglaro ng futebol (soccer).
Oras ng Primary
Binabasa ng batang babae na ito ang Aklat ni Mormon sa wikang Portuges, na opisyal na wika sa Brazil.
Matamis na Pagkain
Ang brigadeiros (mga chocolate fudge ball) ay tanyag na minatamis sa Brazil. Matututuhan mo kung paano gawin ang mga ito sa pahina 40.
14 na mga Templo
Ang Brazil ay may pitong templo, at may pito pang itatayo. Ito ang Curitiba Brazil Temple.