Isang Mensahe sa Kumperensya mula sa Propeta
Pagkakaroon ng Kapayapaan sa Inyong Puso
Hango sa “Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan” at “Ang Bisa ng Espirituwal na Momentum,” Liahona, Mayo 2022.
Mahal ko kayo at ipinagdarasal ko kayo araw-araw. Maraming kahirapan sa mundo. Ang mga kaguluhan at pandemya ay nakaapekto sa maraming tao. Kailangan ng mundo ng tulong.
Si Jesucristo ang Prinsipe ng Kapayapaan. Ang Kanyang ebanghelyo ang tanging tumatagal na paraan para makasumpong ng kapayapaan. Higit kailanman, ngayon natin kailangan ang kapayapaan na Siya lang ang makapagbibigay.
Ang mga alagad ni Jesucristo ay dapat maging huwaran ng pagsunod na tutularan ng buong mundo. Paano natin maaasahang magkaroon ng kapayapaan sa mundo kung hindi natin hangad ang kapayapaan sa ating buhay? Walang sinumang makakakontrol sa mga kilos ng iba. Pero makokontrol natin ang ating sarili.
Sikaping wakasan ang tunggalian sa inyong buhay. Maging mapagpakumbaba, matapang, at malakas. Makatutulong iyan sa inyo na patawarin ang iba at humingi ng kapatawaran kapag nakagawa kayo ng mali. Humingi ng kapangyarihan mula kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala na tutulong sa inyo.
Si Jesus ang Cristo! Siya ay buhay! Mahal ka Niya at tutulungan ka Niya.
Tapusin ang Kuwento
Ano ang gagawin mo kapag nagkaroon ng pakikipagtalo sa isang kapatid, o kaibigan? Pumili ng isa sa mga larawan na nasa ibaba. Pagkatapos ay magdrowing ng isang larawan o isulat kung paano ka magkakaroon ng kapayapaan.