Nakakatuwang mga Mukha ni Juwan
Tinulungan nina Juwan at Jia si Inay na mamili.
Pagod na si Jia!
Ginawang nakakatuwa ni Juwan ang kanyang mukha. Pero hindi pa rin masaya si Jia.
Gumawa pa siya ng ibang nakakatuwang mukha para kay Jia!Tumawa si Jia.
“Salamat sa pagtulong mo sa akin na matapos ang ating pamimili, Juwan,” sabi ni Inay.
Masaya si Juwan na natutulungan niya ang kanyang pamilya.
Kasiyahan sa mga Mukha
Ginawang nakakatuwa ni Juwan ang kanyang mukha para mas gumaan ang pakiramdam ni Jia. Anong mga mukha ang magagawa mo para matulungan ang iba na maging masaya? Idrowing ang mga ito sa ibaba.