Pagtulong na Tulad ni Jesus
Si Jesus ay Isang Tagapamapaya
Tinuruan ni Jesucristo ang Kanyang mga disipulo sa isang bundok. Ang itinuro Niya ay tinatawag na “Sermon sa Bundok.” Sabi Niya, “Mapapalad ang mga tagapamayapa” (Mateo 5:9).
Ang tagapamayapa ay isang taong naghahatid ng kapayapaan sa iba. Si Jesus ay isang tagapamayapa. Tinulungan Niya ang mga tao na makadama ng kapayapaan sa pamamagitan ng paglilingkod at pagpapala sa kanila. Tinutulungan pa rin Niya tayong makadama ng kapayapaan ngayon.
Gumawa ako ng “get-along bucket.” Pinuno ko ito ng mga piraso ng papel na nagsasabi ng mga bagay na magagawa ko at ng mga kapatid ko. Sa likod ng mga papel, isinulat ko ang mga awitin sa Primary na alam namin. Nadama ko ang Espiritu Santo habang ginagawa ko ang get-along bucket. Nagpasalamat ako para sa aking pamilya.
Avalyn G., edad 7, Michigan, USA