2022
Kilalanin si Isabella mula sa Brazil
Mayo 2022


Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Kilalanin si Isabella mula sa Brazil

Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.

girl in pink shirt with pink-framed glasses

Lahat ng tungkol kay Isabella

Isabella swimming

Edad: 10

Mula sa: São Paulo, Brazil

Mga Wika: Portuguese at Libras (Brazilian Sign Language)

Mga mithiin at pangarap: 1) Magkasama-sama bilang pamilya sa langit. 2) Tulungan ang iba na makibagay sa isa’t isa. 3) Patuloy na magpakabuti sa gymnastics, basketball, swimming, ballet, at soccer.

Pamilya: Sina Isabella, Itay, Inay, at dalawang kapatid na pumanaw

Ang mga Matulunging Kamay ni Isabella

girl helping feed her grandpa

Nag-aaral si Isabella sa isang paaralan para sa mga Bingi. Bella ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya, na ang ibig sabihin ay “maganda.” Tinatawag din siya ng kanyang mga kaibigan na tagapamayapa. Kapag nagagalit o naiinis ang mga kaklase, tinutulungan sila ni Bella na kumalma.

Minsan ay nagluto ng hapunan ang nanay ni Bella para sa mga missionary. Lahat ay nasiyahan sa pagkain. Pero hindi makakain si Lolo. Nagkasakit si Lolo, at napakahina niya para pakainin ang kanyang sarili. “Ako po ang magpapakain sa iyo, Lolo,” sabi ni Bella. Paulit-ulit niyang sinubuan si Lolo. At nasiyahan si Lolo sa hapunan.

Mga Paborito ni Isabella

Isabella picking oranges

Lugar: Bahay ng kanyang pinsan, kung saan maaari siyang umakyat ng mga puno at pumitas ng mga tangerine

Kuwento tungkol kay Jesus: Noong Siya ay bininyagan

Awit sa Primary: “I Know That My Savior Loves Me” (ChurchofJesusChrist.org)

Pagkain: Mga cheese pastry, farofa (toasted cassava flour) na may sausage, at macaroni na may puting sauce

Kulay: Rosas

Subject sa paaralan: PE

PDF of story

Mga larawang-guhit ni Melissa Manwill