Isang Panalangin sa Bagyo
BOOM! Malakas na tunog ng kulog sa labas. Nagtago si Alexis sa ilalim ng kanyang kumot. Pero hindi tumigil ang kulog. Nanginig si Alexis. Pagkatapos ay tumayo siya para hanapin si Itay.
“Itay,” sabi niya. “Natatakot po ako.”
Niyakap nang mahigpit ni Itay si Alexis. “Sori,” sabi ni Itay. “Alam ko na nakakatakot talaga ang mga bagyo. Pero ligtas tayo sa loob ng ating tahanan.”
Inisip iyon ni Alexis. “Parang hindi po ako ligtas ngayon. Puwede po ba tayong magdasal?”
“Magandang ideya iyan.”
Lumuhod sina Alexis at Itay. Inabot ni Itay ang kanyang kamay. Hinawakan niya ito habang nagdarasal siya.
“Mahal kong Ama sa Langit, pakitulungan po Ninyo si Alexis na madamang ligtas siya sa bagyo.”
Mahigpit na hinawakan ni Alexis ang kamay ni Itay. Napanatag ang puso niya. Hindi na siya natatakot.
“Maganda na po ang pakiramdam ko,” sabi ni Alexis.
“Mabuti naman,” sabi ni Itay. “Halika, balik na tayo sa higaan.”
Gumapang si Alexis sa kama. Hinila ni Itay ang kanyang kumot hanggang sa kanyang baba. Hinagkan niya ang noo ni Alexis.
“Mahal ko po kayo, Itay,” sabi ni Alexis. “Salamat po dahil sinamahan ninyo akong magdasal.”
Ngumiti si Itay. “Walang anuman. Mahal din kita.”