2022
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Mayo 2022


Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, o para lang sa paglilibang!

Magtayo ng Tabernakulo

children building fort with blankets and chairs

Para sa Exodo 35–40; Levitico 1; 16; 19

Kuwento: Hiniling ng Panginoon kay Moises at sa kanyang mga tao na magtayo ng tabernakulo. Ang tabernakulo ay tulad ng isang templo. Sinabi sa kanila ng Panginoon na itayo ito tulad ng isang tolda upang madala nila ito habang naglalakbay sila papunta sa lupang pangako. Mababasa mo ang tungkol dito sa Exodo 39:33–43.

Awitin: “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99)

Aktibidad: Magtayo ng tolda na tulad ng tabernakulo. Maaari kayong gumamit ng mga kumot, tuwalya, upuan, at anumang bagay sa inyong tahanan. Pagkatapos ay umupo sa loob ng inyong tolda at pag-usapan kung bakit mahalaga ang mga templo. O maaari kang gumawa ng isang maliit na tabernakulo gamit ang mga block o iba pang mga bagay.

Laro ng Pasasalamat

paint bottles and painted sticks

Para sa Mga Bilang 11–14; 20–24

Kuwento: Kung minsan ay nalilimutan ng mga Israelita kung paano sila tinulungan ng Panginoon. Nais ng Diyos na alalahanin nating magpasalamat. Mas pinasasaya rin tayo nito!

Awitin: “Ako ay Mahal ng Ama sa Langit,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 16–17)

Aktibidad: Maglaro ng larong tungkol sa pasasalamat! Markahan ang ilang patpat gamit ang isa sa tatlong kulay. Pagkatapos ay maghalinhinan sa pagpili ng patpat. Para sa isang kulay, banggitin ang isang taong pinasasalamatan mo. Para sa isa pang kulay, magsabi ng isang lugar na pinasasalamatan mo. Sa pangatlong kulay, magsabi ng isang bagay na pinasasalamatan mo.

Puzzle ng Pagtitipon ng Israel

picture strips to put together a puzzle

Para sa Deuteronomio 6–8; 15; 18; 29–30; 34

Kuwento: Mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak. Nais Niyang sama-sama silang matipon sa Kanyang Simbahan. Bahagi ng pagtitipon ng Israel ang pagbabalik sa mga anak ng Diyos sa Kanya (tingnan sa Deuteronomio 30:3).

Awitin: “Israel, Diyos ay Tumatawag” (Mga Himno, blg. 7)

Aktibidad: Gupitin ang mga piraso ng puzzle sa pahina 27. Pagkatapos ay sabihin sa isang tao na itago ang mga piraso sa paligid ng silid. Sabihin sa lahat na hanapin ang mga piraso. Kapag natipon na ang lahat ng piraso, buuin ang puzzle. Bakit nais ng Diyos na magbalik sa Kanya ang lahat ng Kanyang mga anak?

Mga Bato ng Alaala

boy and girl painting rocks together

Para sa Josue 1–8; 23–24

Kuwento: Tinulungan ng Diyos si Josue na hatiin ang Ilog Jordan upang makalakad ang mga tao sa tuyong lupa. Pagkatapos ay hiniling ng Diyos kay Josue at sa kanyang mga tao na magtipon ng mga bato mula sa ilog upang alalahanin kung paano sila tinulungan ng Diyos (tingnan sa Josue 4:5–7).

Awitin: “Kung Saan Naroon ang Pag-ibig” (Aklat ng mga Awit Pambata, 76)

Aktibidad: Maghanap ng mga bato na pipinturahan o kukulayan. Isulat ang salitang alalahanin sa mga ito. Habang nilalagyan mo ito ng dekorasyon, pag-usapan ang mga paraan na tinulungan kayo ng Diyos.

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill