Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Para sa home evening, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, o para lang sa paglilibang!
Si Daniel at ang Yungib ng mga Leon
Para sa Daniel 1–6
Kuwento: Nanalangin ang propetang si Daniel bawat araw. Nilinlang ng ilang naiinggit na kalalakihan ang hari para gumawa ng isang masamang batas. Sinumang manalangin sa Diyos ay ihahagis sa yungib ng mga leon! Nanalangin pa rin si Daniel. Inihagis siya sa yungib ng mga leon, pero nagsugo ng anghel ang Diyos para protektahan siya. (Tingnan sa Daniel 6.)
Awitin: “Nais Kong Ipamuhay ang Ebanghelyo,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 72)
Aktibidad: Gupitin ang mga finger puppet sa pahina 17 at gamitin ang mga ito para ikuwento si Daniel at ang yungib ng mga leon. Bakit mabuti ang magdasal?
Si Jesus ay Nabuhay na Mag-uli
Para sa Hoseas 1–6; 10–14; Joel
Kuwento: Si Hoseas ay isang propeta noon. Itinuro niya na si Jesucristo ay mamamatay at mabubuhay na mag-uli. Dahil dito, maaari tayong mabuhay na muli. (Tingnan sa Hoseas 13:14.)
Awitin: “Si Jesus Ba ay Nagbangon?” (Aklat ng mga Awit Pambata, 45)
Aktibidad: Dahil si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli, lahat tayo ay mabubuhay na muli balang-araw. Maghanap ng mga retrato ng mga kapamilyang pumanaw na. Magkuwento tungkol sa kanila.
Ano ang Sinabi ng Propeta?
Kuwento: Itinuro ng propetang si Amos, “Tunay na ang Panginoong Diyos ay walang gagawin, malibang kanyang ihayag ang kanyang lihim sa kanyang mga lingkod na mga propeta” (Amos 3:7). Ibig sabihin niyan, nangungusap si Jesucristo sa Kanyang mga propeta ngayon.
Awitin: “Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta” (Mga Himno, blg. 15).
Aktibidad: Basahin ang sinabi ng propeta sa kumperensya sa pahina 2. Ano ang sinabi niya sa atin? Magdrowing ng larawan na nagpapakita ng mga bagay na itinuro niya.
Si Jonas at ang Malaking Isda
Kuwento: Tinawag ng Panginoon si Jonas para turuan ang mga tao ng Ninive. Pero natakot si Jonas. Tumakas siya. Nilulon siya ng isang malaking isda! Pagkaraan ng tatlong araw, iniluwa siya ng isda. Nagsisi si Jonas at tinuruan ang mga tao. (Tingnan sa Jonas 1–4.)
Awitin: “Propeta’y Sundin,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 58–59, taludtod 7).
Aktibidad: Lumabas at maghanap ng ilang bato, dahon, o patpat. Gamitin ang mga ito para gumawa ng larawan tungkol kay Jonas at sa malaking isda!