Pagtulong na Tulad ni Jesus
Sinabi ni Jesus na Mahalin Natin ang Ating Kapwa
Isang araw tinanong ng isang lalaki si Jesucristo kung ano ang pinakadakilang utos. Sinabi ni Jesus na ang unang dakilang utos ay mahalin ang Diyos. Pagkatapos ay sinabi Niya na ang pangalawa ay “ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili“ (Marcos 12:31). Ibig sabihin ay dapat nating mahalin ang iba at tratuhin sila sa paraang gusto nating tratuhin tayo.
Tumulong ang grupong ito ng mga batang Primary sa Mississippi, USA, sa paglilinis ng bahay ng kanilang kapitbahay pagkaraan ng isang bagyo.