Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Naligtas mula sa Apoy
Sina Shadrac, Meshac, at Abednego ay matalik na magkakaibigan. Tinulungan nila ang isa’t isa na piliin ang tama.
Isang araw sinabi ng hari sa lahat na magdasal sa isang gintong rebulto. Kung hindi nila ito gagawin, ihahagis niya sila sa apoy.
Lahat ng iba pa ay nagdasal sa rebulto. Pero sa Diyos lang nanalangin ang tatlong magkakaibigan.
Nagalit ang hari. Inihagis niya sina Shadrac, Meshac, at Abednego sa apoy.
Pero hindi sila sinunog ng apoy! Kasama nila ang isang makalangit na nilalang at pinangalagaan sila.
Maaari kong piliin ang tama, kahit mahirap ito. Tutulungan ako at sasamahan ni Jesus!