2022
Mga Tala sa Kumperensya
Nobyembre 2022


“Mga Tala sa Kumperensya,” Kaibigan, Nobyembre 2022, 5.

Mga Tala sa Kumperensya

Lahat ay Makapaglilingkod

Dallin H. Oaks

Ikinuwento ni Pangulong Oaks ang isang lalaking nagngangalang Mr. Gabriel, na tumulong sa libu-libong batang refugee. Lumikha siya ng “mga paaralan sa ilalim ng puno,” kung saan nagtipon ang mga bata para sa mga lesson sa ilalim ng lilim ng mga puno. Nang makita niya ang pangangailangan, tumulong siya! Binibigyang-inspirasyon ng Diyos ang maraming taong katulad ni Mr. Gabriel na gumawa ng mabuti.

Itinuturo nito sa akin:

Pagbabahagi ng Aklat ni Mormon

Ronald A. Rasband

Tinalakay ni Elder Rasband kung paano binigyan ng propeta ng isang kopya ng Aklat ni Mormon ang isang hari sa Ghana. Magkasamang nagbasa si Pangulong Nelson at ang hari tungkol kay Jesucristo sa 3 Nephi 11. Sinabi ng hari na mas mahalaga ang aklat kaysa mga diyamante o rubi dahil mas marami itong itinuro sa kanya tungkol kay Jesus.

Itinuturo nito sa akin:

Ang Sagot ay si Jesus

Elder Ryan K. Olsen

Ikinuwento ni Elder Olsen ang pamangkin niyang si Nash. Magkasama silang nagtatrabaho nang makaisip ng magandang ideya si Nash para ayusin ang isang problema. Tinanong ni Elder Olsen si Nash kung paano siya naging gayon katalino. Ang sagot ni Nash, “dahil po kay Jesus.” Si Jesucristo ang sagot sa lahat ng ating problema.

Itinuturo nito sa akin:

Salamin sa Mata para Makakita

Sister Tracy Y. Browning

Sinabi ni Sister Browning na kailangan niya ng salamin sa mata para makakita siya. Tuwing umaga, ang una niyang ginagawa ay kunin ang kanyang salamin. Tinalakay niya kung gaano ang pangangailangan niya kay Jesucristo araw-araw na katulad ng pangangailangan niya sa kanyang salamin. Nangako ang Tagapagligtas na aakayin at gagabayan tayo kapag naglaan tayo ng oras para sa Kanya.

Itinuturo nito sa akin: