Mahal na mga Kaibigan,
Ang isang paraan na ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal ay sa pagsusugo sa atin ng mga propeta. Isinugo ng Diyos si Moises upang akayin ang mga tao patungo sa lupang pangako. Isinugo niya si Noe para ituro ang ebanghelyo at iligtas ang kanyang pamilya at ang mga hayop mula sa baha. Ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal nang protektahan Niya si Daniel sa yungib ng mga leon. Paano ka tinuruan ng ating propeta sa pangkalahatang kumperensya tungkol sa pagmamahal ng Diyos? Maghanap sa mga pahina 2–7 para sa mga ideya!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
P.S. Maghanap sa pahina 20 para malaman kung paano ipinakita ng isang batang babae mula sa Lebanon ang kanyang pagmamahal sa araw ng Pasko. Pagkatapos ay sumulat para sabihin sa amin kung paano ka nagpapakita ng pagmamahal sa iba!